Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Singil sa kuryente ng MERALCO, posibleng tumaas sa susunod na buwan

$
0
0

MERALCO facade (UNTV News)

MANILA, Philippines —Pinangangambahang tumaas ang singil sa kuryente sa susunod na buwan.

Ayon sa MERALCO, maraming mga planta ang binaha at nasira dahil sa Bagyong Glenda dahilan upang magkaroon ng manipis na supply ng kuryente nitong mga nakaraang araw.

“Of course, the possibility of it being on the upward swing may probably be there but again, we need to validate kung ano yung final figures”, saad ni MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga.

Ang pagpapatupad ng manual load dropping o rotational brownout ay senyales din ng pagtaas sa singil sa kuryente.

Nakadagdag din sa problema ang sitwasyon noong mga nakaraang buwan na umabot sa red alert ang supply ng kuryente.

Nilinaw naman ng MERALCO na hindi ipapasa sa bill ng mga customers ang gastusin sa mga nasirang pasilidad gaya ng mga bumagsak na poste at nasirang transmission lines.

Ayon sa MERALCO, iipunin pa nito ang mahahalagang impormasyon upang matukoy kung magkano ang maaaring itaas sa singil sa kuryente.

Sa ngayon, nasa dalawang porsyento na lamang ng kabuuang franchise area ng MERALCO ang walang kuryente.

Ayon sa MERALCO, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagsasaayos sa mga apektadong lugar.

Samantala, nagbabala ang MERALCO sa mga customer nito na magingat sa mga hindi awtorisadong bayad center. Nilinaw ng MERALCO na hindi lahat ng gumagamit ng kanilang logo ay awtorisadong bayad center

Ayon sa MERALCO, wala din dapat sinisingil na extrang bayad kapag magtutungo sila sa mga bayad center.

“Itong mga collection partners na ito, hindi po kayo sisingilin ng extra in so far paying your bills is concern dahil mayroon kaming arrangement with them”,ani Zaldarriaga.

Para sa kumpletong listahan ng mga awtorisadong bayad center ng MERALCO, maaaring bumisita sa kanilang website sa www.meralco.com.ph . (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481