Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

OPM hitmaker Rachel Alejandro, isa sa aabangang interpreter sa ASOP Year 3 finals

$
0
0

Ini-record na ng OPM hitmaker na si Rachel Alejandro ang awiting “Tanging Gabay” sa komposisyon ni Arniel Villagonza na kasali sa A Song Of Praise o ASOP Music Festival Year 3 Finals na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Setyembre (UNTV News)

MANILA, Philippines — Magiging mahigpit ang labanan ng interpretasyon ng mga entry sa A Song Of Praise o ASOP Music Festival sa pagpasok bilang interpreter ng isa sa OPM hitmaker na si Rachel Alejandro.

Humanga si Rachel sa piyesang naibigay sa kanya na “Tanging Gabay” na komposisyon ni Arniel Villagonza na ngayon ay na-irecord niya na sa BMPI Recording Studio sa Edsa-Caloocan.

“Ang dating na talaga nung kanta is for competition style talaga. Makikita mo talaga yung buong range ng boses, from the low, your low register all the way up to the high register and at the same time parang naramdaman ko na, halata na it’s a real experience”, saad ni Rachel Alejandro.

Proud ang finalist na si Arniel Villagonza na nagmula pa sa Butuan city, Mindanao sa pagpayag ni Rachel bilang interpreter ng kanyang obra.

“Isa pong karangalan sa akin bilang baguhang composer, malaki po ang aking pasasalamat. Ang ganda talaga ng pag-interpret niya. Na-surprise ako kasi idol ko yan eh”, pahayag ni Villagonza.

Honored din ang naturang female OPM icon na maging bahagi ng ASOP dahil sa mga naging interpreter na nito ng mga nakaraang finals. Hanga rin si Rachel sa konsepto ng ASOP na para sa kanya ay malaking tulong sa industriya ng musika sa bansa.

Abangan ang pag-awit ni Rachel ng live ng “Tanging Gabay” sa ASOP Year 3 Finals night sa Araneta Coliseum ngayong Setyembre.

“Hello, this is Rachel Alejandro. Isa ako sa magiging interpreter sa ASOP this year so sana samahan niyo kami. Sa Araneta Coliseum yan, on September 23 para makita ninyo ang napakagagaling na composer at ang napakakagandang mga awitin na ginawa nila para sa kompetisyon na ito, join us”, anyaya ng mang-aawit. (Adjes Careon, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes