Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sandiganbayan 3rd division, pinagbigyan ang mosyon ng prosekusyon na suspindihin si Sen. Juan Ponce Enrile

$
0
0

FILE PHOTO: Senator Juan Ponce Enrile (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Pinagbigyan na nga ng 3rd division ng Sandiganbayan ang mosyon ng prosekusyon na masuspindi si Sen. Juan Ponce Enrile sa tungkulin.

Sa inilabas na resolution ng 3rd division, pinapatawan nila ng 90-day prevention suspension si Sen. Juan Ponce Enrile.

Binaggit nila sa kanilang resolusyon ang Sec tion 5 Republic Act 7080 na nagsasabing ang sino mang opisyal ng gobyerno na nahaharap sa kasong katiwalian kahit pending pa sa korte ang kaso ay maaaring masuspindi sa kanyang opisina. Kalakip din ng suspension ang lahat ng benepisyo nito bilang senador.

Ito ay upang maiwasang maimpluwesyahan o ma-intimidate pa ng senador sinumang witness ng prosekusyon, o di kaya mabago, matamper nito ang anu mang dokumentong maaaring maging ebidensya laban sa kanya.

Pero ayon sa resolution, maaaring hindi agad masuspindi si Sen. Enrile lalo na kung magpapasa sila ng motion for reconsideration.

Si Sen. Enrile ang ikalawang senador na hinainan ng suspension order ng korte matapos maglabas din ng kaparehong resolusyon ang 5th division ng Sandiganbayan para naman kay Sen. Jinggoy Estrada.

Samantala, ipinag-utos na rin ng 3rd division ng Sandiganbayan ang paglipat kay Janet Lim Napoles sa Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa sa Taguig mula sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa naging desisyon ng korte, sinabi nitong si Napoles ay nahaharap sa kasong plunder at kailangan ito maditine sa pinakamalapit na detention facility sa korte.

Binaggit din nito na ang BJMP ang dapat may kustodiya sa mga taong humaharap sa ganitong mga kaso habang naghihintay ng trial sa korte.

Pero ayon naman sa abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David, hindi agad agad malilipat si Napoles sa BJMP Camp Bagong Diwa.

Salaysay ni Atty. David, “Ang usapan namin doon humingi muna sila ng permission to Makati yung PNP kasi siyempre nirerespeto natin yung Sandiganbayan pero para hindi rin naman mapahiya ang RTC ay pumunta muna kaso sa RTC para humingi ng permiso.”

Samatala, habang isinusulat ang balitang ito ay maaaring nasa Fort Sto. Domingo na si Napoles.

Na-late ito sa hearing sa Sandiganbayan at hindi na naabutan ang pagdinig ng korte sa mosyon nito na makapagpiyansa sa kasong plunder. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481