Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Konkretong polisiya sa pagnenegosyo, nais marinig ng mga negosyante sa darating na SONA ng Pangulo  

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno Aquino III at SONA 2013 (Photo by: Benhur Arcayan / Ryan Lim / Malacanang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Sa nakalipas na apat na taon, hindi maikakaila na nagkaroon ng paglago sa ekonomiya ng bansa, subalit mayroon pa ring mga balakid upang matapatan ng Pilipinas ang ibang kalapit bansa sa Asya.

Nais ng mga nasa business sector na magkaroon ng konkretong polisiya ang pamahalaan upang masolusyunan ang napipintong krisis sa supply ng kuryente sa susunod na taon.

Pahayag ni PhilExport President Sergio Ortiz-Luis, “We are trying to attract foreign investors. If you tell them there will be power shortage and our record of solving power shortage is not that good, you turn off investors. Because nobody will invest here if you have erratic power.”

Nais ding masiguro ng mga nagunguna sa business sector na tututukan ni Pangulong Aquino ang pagpapagawa ng malalaking imprastraktura at mga programa gaya ng flood mitigation.

Nais din nila na mapondohan ang mga small-medium-enterprise o SME lalo na at nalalapit na ang ASEAN Integration sa susunod na taon.

Halos 90% ng negosyo sa bansa ay binubuo ng mga SME na maituturing na isa sa pundasyon ng ekonomiya ng bansa.

Hinihiling din ng mga negosyante na maipasa ang competition law upang maseguro na magiging patas ang pagnenegosyo sa lahat kapag nagsimula  na ang ASEAN Integration.

Sa kabuuan, natutuwa ang busines sector sa naging performance ng Pangulo upang gumanda ang takbo ng  ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga isyung pulitikal.

Salaysay naman ni Philippine Chamber of Commerce and Industry President Alfredo Yao, “Yes, tuloy niya (Pres. Aquino). He is on the right track, from the private side, from the businessman, he is on the right track. And of course, calling on the country men to stop muna pulitika, sayang eh. We are like a seesaw eh, up-down, up-down.”

Ayon sa mga negosyante sa bansa, sa pamamagitan ng matitibay na polisiya ay masisiguro ng bansa ang mas magandang takbo ng ekonomiya sa mga susunod pang mga taon. Kailangan lamang itong masuportahan at mabigyan ng kaukulang atensyon mula sa pamahalaan.” (MON JOCSON / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481