MALI – Mahigpit ang seguridad sa crash site na binagsakan ng eroplano ng Air Algerie sa northern Mali dahil sa pagtungo doon ng mga lider ng Mali at Burkina Faso upang makiramay.
Kabilang sa pwersa na nasa site ay ang mga sundalo ng France, Mali at The Netherlands na kabilang sa UN peacekeeping force.
Bumisita sa lugar si Burkina Faso President Blaise Compaore at si Malian President Ibrahim Boubacar Keita.
Bumagsak ang Air Algerie flight AH5017 malapit sa border ng northern Mali at Burkina Faso noong July 24, Huwebes, dahil sa masamang panahon.
Nasawi sa trahedya ang 118 pasahero at crew ng eroplano. (UNTV News)