MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department and Foreign Affairs (DFA) na hindi nahinto ang ipinatutupad na mandatory repatriation sa mga Pilipino sa Libya.
Ang repatriation efforts ay pinangungunahan ni Charge d ‘Affaires Adelio Angelito Cruz mula sa embahada ng Pilipinas sa Tripoli katuwang ang Rapid Response Team.
Ang sapilitang pagpapalikas sa mga Pinoy sa Libya ay ipinatupad kasunod ng pagtataas ng crisis alert level 4 dito.
Una nang kinumpirma ng DFA ang napaulat na pagdukot at paggahasa sa isang Filipina nurse sa bansang Libya. (UNTV News)