Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

9 century trees sa Cebu, puputulin na ng DPWH

$
0
0

Puputulin na ng Department of Public Works and Highways-Region 7 ang mga century old tree sa mga bayan ng Naga, Carcar at San Fernando sa cebu matapos na maging mapanganib na ang mga ito sa mga residente (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Napagkasunduan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 7, Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 7 at ng mga Local Government Unit (LGU) na putulin na ang siyam na punong acacia sa mga bayan ng Naga, Carcar at sa San Fernando sa darating na August 5, 2014.

Ito ay dahil sa panganib na hatid nito sa mga residente sa tabi ng kalsada, bukod pa sa nakaaantala ito sa road widening project ng DPWH.

Matatandaang isang puno ng acacia ang natumba noong nakaraang linggo dahil na rin sa malakas na mga pagulan at hangin.

Bilang kapalit ng mga puputuling punong kahoy ay magtatanim naman ng 900 bagong mga puno sa darating na August 12 sa Tuyan, Naga City.

Imomonitor ito ng DENR upang masigurong mapangangalagaan din ang mga ipapalit na mga puno.

Ang isang environmentalist naman na si Robert Reyes ay naglagay ng mga white ribbon sa mga century old na mga puno ng acacia at tumututol sa pagpuputol ng mga ito.

Ayon sa kanya, malaki ang ginagampanang bahagi ng mga puno sa ating kalikasan.

Para naman sa ilang residente, mas maiging putulin na lang ang mga puno dahil sa laki ng mga ito at sa banta ng aksidente sa pahanon ng mga pagulan at malakas na hangin. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481