Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, nakikipagtulungan sa ibat-ibang sektor ng lipunan para sa disaster awareness ngayong panahon ng kalamidad

$
0
0

Nagsasagawa ang Philippine National Police o PNP ng mga rescue training at nakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang mapaghandaan ang mga kalamidad na maaaring dumating sa bansa (UNTV News)

MANILA, Philippines — Tuloy ang ginagawang disaster awareness campaign ng Police Community Relations Group (PCRG) sa publiko lalo na ngayong panahon ng kalamidad.

Ito ay upang maiwasan ang sakuna sakaling bayuhin ng bagyo at Habagat ang Metro Manila at mga lalawigan.

Ayon kay PCRG Director P/CSupt. Nestor Quinsay, nakikipagtulungan sila sa ibat ibang sektor upang magpakalat ng mga impormasyon hinggil sa dapat gawin tuwing may kalamidad.

“Andon po lahat kami, tumutulong po kami at nakikipag ugnayan tayo sa different agency para sa kahandaan pag may darating na kalamidad.”

Bukod sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang sa katuwang ng Philippine National Police (PNP) ay ang Sangguniang Masang Pilipino Inc. tuwing may kalamidad.

Ang grupo ang nagpahiram ng mga radio equipment at iba pang kagamitan sa pagsasagawa ng relief operation ng PNP tulad noong Bagyong Glenda at Bagyong Yolanda na nanalasa sa Tacloban.

“Sa yolanda nagbigay po kami ng worth 120 million pesos ng goods na kami mismo ang nag distribute, ang mga radio logistics and communications, maging generator noong kasagsagan ng kalamidad,” ani Sangguniang Masang Pilipino Inc. CEO Elphie Tanaliga.

Idinagdag pa ni Quinsay na bukod sa pagsunod sa instructions ng mga otoridad, importante ang pagtutulungan ng bawat isa upang malampasan ng ligtas ang bawat kalamidad na dumarating sa bansa. (Lea Ylagan, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481