Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang security guard at konduktor ng isang bus na nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon City (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang magkahiwalay na aksidente sa lungsod ng Quezon kagabi at kaninang madaling araw.

Unang tinulungan ng grupo ang sugatang security guard na nabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa Boni Serrano.

Nilapatan muna ng paunang lunas ng News and Resuce Team ang mga tinamong sugat sa ulo ng biktimang si Efren Ebuen saka isinugod sa Quirino Memorial Medical Center.

Bandang ala-una y medya naman kaninang madaling araw nang rumesponde ang grupo sa pampasaherong bus na bumangga sa poste ng LRT sa southbound lane ng EDSA-Balintawak.

Binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang konduktor na si Aldrin Palmera na nagtamo siya ng sugat sa mga daliri sa kamay nang basagin nito ang salamin ng bus upang makalabas lamang ang pitong pasahero na naipit sa loob.

Ayon sa drayber nito na si Gerodeo Corpuz, sumalpok siya sa poste ng LRT nang pilitin niyang iwasan ang jeep na umaatras sa balintawak subalit hindi kinaya umano ng preno ng minamaneho niyang bus ang dulas ng kalsada dulot ng ulan.

Nagdulot naman ang insidente ng pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sinakop nito tatlong lane ng southbound lane ng EDSA. (Jerico Albano, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481