MANILA, Philippines — Mahigit sa isang libong bagong empleyado ang kinukuha sa ngayon ng Bureau Of Customs (BOC) upang punan ang kakulangan nito sa tauhan.
Ayon kay Customs Commissioner John Sevilla, 1st batch pa lamang ito ng mga kukuning tauhan ng BOC.
Aniya, “most countries ratio of customs employees to the people is 1:5000. In Southeast Asia, its 1 customs employee to 10,000 people. In the Philippines, its 1:27,000.”
“Lahat ng port collector umaangal na kulang tao nila,” dagdag nito.
First and second level positions ang kukuning mga tauhan gaya ng customs operations officer at administrative officers.
Sa ngayon, marami na ang mga nag-a-apply sa mga bakanteng posisyon.
Upang matiyak naman na mga kuwalipikado ang mga taong kanilang tatanggapin, magbibigay ang BOC at Civil Service Commission (CSC) ng pre-qualifying examination.
“When you place the right people with the right personality, enviewed with the right ethics in delivering frontline service, that is another step”, pahayag ni CSC Commissioner Nieves Osorio.
Subalit ang mga miyembro ng Bureau Of Customs Employees Association o BOCEA ay umaangal sa bagong panuntunan ng kawanihan sa pagkuha ng mga bagong tauhan sa ilalim ng Customs Memorandum Order 15-2014.
Ayon sa BOCEA, hindi patas para sa mga dating empleyado ang bagong sistema kung ang pag uusapan ay promosyon.
“Hindi tutol pero may nakitang mga loopholes. Pinagsabay hiring sa promotion,” saad ni BOCEA Spokesman Rommel Francisco.
“Dapat mass promotion before hire at yung mga maiiwan na posisyon ang pupunuan,” dagdag nito.
Apela ng grupo, sana ay pa-aprubahan muna sa CSC ang ipinatupad na sistema sa pagkuha sa mga bagong empleyado.
“Requirement sa empleyado apply for promotion. We have to submit performance sheet for 2 ratings na di require ng CSC, na di require sa mga bagong pasok”, ani Francisco. (Victor Cosare, UNTV News)