MANILA, Philippines – Nagpahayag naman ng paghanga si dating congressman Jack Enrile sa kanyang ama na si Senador Juan Ponce Enrile kasunod ng ginawa nitong pagbibitiw sa pwesto.
Sa ipinadalang mensahe sa UNTV News, sinabi ng batang Enrile na proud siya sa ipinakitang paninindigan ng kanyang ama sa kabila ng mga natatanggap nitong batikos.
“I am very proud of my father. He has shown true statesmanship. He is a patriot of the highest order.”
Sa panig naman ng Malakanyang, sinabi nitong iginagalang nila ang desisyon ng senador at pinuri ang naging kontribusyon ni Enrile bilang lider ng senado. (UNTV News)