Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

COA, binigyan ng 10 araw ng House Committee on Justice upang maiprisenta ang JDF records

$
0
0

Commission On Audit (COA) logo

MANILA, Philippines — Binigyan ng sampung araw ng mababang kapulungan ng kongreso ang Commission on Audit (COA) upang iprisenta ang dokumento kaugnay sa Supreme Court’s Judiciary Development Fund o JDF.

Hiningi ni House Justice Committee Chairman Congressman Niel Tupas Jr. sa COA ang records ng collection at disbursement ng JDF mula noong 1984.

Ito ay upang makita kung papaano ginamit ang naturang pondo.

Ayon naman kay COA Commissioner Heidi Mendoza, gagawin nila ang lahat upang makalap ang lahat ng dokumento ngunit posibleng ilan sa mga ito ay wala na.

Sinabi naman ni Congressman Tupas na hangga’t maaari ay maiprisenta ng komisyon ang records mula noong 1999. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481