Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbusisi sa P2.606 trillion 2015 proposed national budget, sinimulan na ng House of Representatives

$
0
0

Sinimulan na ngayong araw ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbusisi sa 2015 proposed National Budget at ang unang sumalang sa deliberasyon ang mga ahensiyang kabilang sa Development Budget Coordination Committee (UNTV News)

MANILA, Philippines — Mahigit dalawang trilyong pisong pambansang budget para sa susunod na taon ang sinimulang busisiin ng Mababang Kapulungan ng kongreso.

Sa unang pagdinig ng House Committee on Appropriations, unang sumalang  ang mga ahensyang kabilang sa Development Budget Coordinating Committee.

Ito ay ang National Economic Development Authority (NEDA), Department Of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Budget and Management (DBM), Bureau of Internal Revenue (BIR), National Treasury at Bureau Of Customs (BOC).

Unang ipineresenta ng NEDA sa 1st quarter palang ng taon, tumaas na ng 7.7% ang economic growth ng bansa maging ang employment rate. (4.4%)

Habang bumaba sa 24.9% ang poverty rate ng bansa ngayong taon mula sa 31.9% noong 2013.

Target naman ng NEDA na ibaba pa sa 19% ang poverty rate sa 2016.

Ayon kay DBM Sec. Florencio “Butch” Abad, ang proposed budget ngayon taon ay naka-focus sa pagpapalakas ng ekonomiya, paglikha ng mas maraming trabaho at paghahanda sa magiging epekto ng climate change gaya ng mga bagyo.

Binigyang daan din ng kahilim ang mga proyektong magbibigay solusyon sa pangunahing problema ng mga commuter.

Gaya ng pagbili ng dagdag na bagon para sa MRT-3 at pag-uupgrade ng LRT-1 at 2 sa susunod na taon.

Nangunguna pa rin sa may ahensya na may pinakamalaking budget sa susunod na taon ay ang:

  • Department of Education (DepEd ) – P364.9b
  • Department of Public Works and Highways (DPWH) – P300.5b
  • Department of National Defense (DND) – P144b
  • Department of the Interior and Local Government (DILG) – P141.4b
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) – P108.9b
  • Department of Health (DOH) – P102.1b
  • Department of Agriculture (DA) – P88.8b
  • Department of Transportationa and Communications (DOTC) – P59.4b
  • Department of Environment and Natural Resources (DENR) – P21.2b
  • Judiciary – P20.2b

Mahigit 40-billion pesos naman ng General Appropriations Act  o GAA ang napunta sa lumpsum appropriation sa

  • calamity fund
  • contingency fund
  • miscellaneous
  • pension guarantee fund
  • internal revenue allotment
  • debt service

Ang 98% ng P2.606t pesos ay galing sa tax and non-tax revenue habang ang 2% naman ay mula financing.

Sinula noong 2010, 16.9% na ang itinaas ng taunang pondo ng bansa.

Bukas, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Appropriations sasalang ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  at Department of Agrarian Reform (DAF) upang ipresenta sa kamara ang nilalaman ng kanilang panukalang pondo para sa susunod na taon. (Grace Casin, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481