MANILA, Philippines – Apatnapu’t dalawang Overseas Filipino Workers (OFW’s) mula sa bansang Libya ang nakabalik na ng bansa ngayong araw, Miyerkules, lulan ng Emirates Airline flight EK336.
Ayon sa mga OFW, tinanggap nila ang repatriation offer ng pamahalaan at nagdesisyong umuwi ng Pilipinas at iwanan ang kanilang mga trabaho sa Libya dahil sa tumitinding kaguluhan doon.
Sa halip na mga pasalubong, nakakalungkot na mga kwento ang uwi ng mga OFW sa kanilang mga pamilya.
Nawalan man ng trabaho, malaki pa rin ang pasasalamat ng mga OFW na nakauwi sila ng ligtas sa kani-kanilang mga pamilya.
Karamihan sa kanila, balak pa ring magtrabaho sa ibang bansa, ngunit hindi na sa Libya.
Sa kabuoan, aabot na sa 938 na mga Pilipino ang na-repatriate ng pamahalaan kasunod ng pagdedeklara ng crisis alert level 4 sa Libya.
Ngunit, mahigpit pa ang panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nalalabi pang halos 12-libong OFW sa Libya na lumikas na para na rin sa kanilang kaligtasan.
Ipinahayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose na papunta na ng Libya ang barkong nirentahan ng Pilipinas na susundo sa mga manggagawang Pinoy.
Posible aniyang bukas o sa Biyernes ay dadaong na ang barko sa Misrata at saka maglalakbay patungong Benghazi at Tripoli bago dumiretso sa Malta.
Mula sa Malta, sasakay ng eroplano ang mga OFW pauwi na ng Pilipinas.
Aabisuhan rin ng embahada ang mga OFW sa oras ng pagdating ng barko sa itinalagang pick up points.
Una nang tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bibigyan ng ayuda ang mga Pinoy workers sa kanilang pagbabalik bansa.
Kabilang sa tulong na ibibigay sa mga ito ang airport assistance, temporary shelter, transport assistance pauwi ng kani-kanilang mga bahay, emergency medical assistance, stress debriefing, at ang livelihood package.
Ang lahat ng ito ay sa ilalim ng “Assist Well Program” ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang lahat ng ito ay sa ilalim ng “Assist Well Program” ng Department of Labor and Employment (DOLE). (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)