MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilahok at nakaboto ang mga bilanggo sa katatapos lamang na 2013 midterm elections.
Bagama’t naantala ng halos apat na oras ang kanilang pagboto, masaya ang halos 2-libong inmate sa New Bilibid Prison (NBP) na nagamit nila ang kanilang karapatang mamili ng mga uupo sa puwesto.
“It gave an authority for our offenders or inmates to vote, but when we say vote lahat po ito yung mga sabihin nating mga no final judgment yet,” pahayag ni Supt. Antonio Cruz, Asst. Director for Prison and Security. (UNTV News)