MANILA, Philippines — Hindi sang-ayon ang Armed Force of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa assessment ng US government na “terrorist safe haven” ang Sulu archipelago.
Ayon kay Public Affairs Office (PIO) Chief Maj. Ramon Zagala, nirerespeto nila ang assessment ng Amerika subalit hindi sila sumasangayon dito.
“We respect their assessment but we disagree with it, primarily because when you say safe haven the terrorist will able to plan, organize and execute their terrorist action easily but due to the action of AFP forces in Sulu archipelago they cannot do so.”
Sinabi pa ni Zagala na hindi nagpapabaya ang tauhan ng pamahalaan upang mahuli ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).
“AFP forces are ever presence in a large area of Sulu archipelago, so the ability of the Abu Sayyaf to conduct a terrorist action is very limited.”
Maging ang PNP ay hindi rin sang-ayon sa sinabi ng Amerika tungkol sa Sulu.
“Unang-una hindi natin sinasang-ayunan itong statement na ito, kung nakikita niyo kabilaan din ang ginagawang pag ooperate ng PNP at AFP against this threat groups,” pahayag ni PNP Spokesperson Chief Supt. Generoso Cerbo Jr.
Tiniyak din ng AFP at PNP na tuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa ASG at maging sa NPA para sa kapayapaan at kaligtasan ng sambayanang Pilipino. (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)