Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Filipina workers na hinihinalang biktima ng human trafficking sa Kuwait, nailigtas

$
0
0
CONTRIBUTED PHOTO: Ang 3 sa 5 Pinay OFWs na na-rescue ng Philippine Embassy sa Kuwait katulong ang Kuwaiti Police.

CONTRIBUTED PHOTO: Ang 3 sa 5 Pinay OFWs na na-rescue ng Philippine Embassy sa Kuwait katulong ang Kuwaiti Police.

HAWALLY, Kuwait — Limang Pilipina ang nailigtas ng Philippine Embassy katulong ang mga Kuwaiti Police sa kamay ng mga Egyptian national na umano’y bahagi ng sindikato ng human trafficking.

Ayon kay Muammar Ali Hassan, ang ATN supervisor ng Philippine Embassy sa Kuwait, pwersahang pinagtatrabaho at ikinukulong sa isang apartment sa Hawally, Kuwait ang mga nailigtas na Pinay workers.

“We were able to rescue 9 woman, 5 of them were Filipina and 4 other nationalities who also wanted to be rescued. We all proceeded to the Nuqra Police Station where appropriate case were files against the employer and the Arab Egyptian operators trafficking syndicate.”

Bukod sa mahabang oras ng pagtatrabaho, maliit lang umano ang sweldong ibinibigay sa kanila at hindi pa sila pinapayagang lumabas ng apartment.

Muli namang nanawagan sa mga OFW ang Philippine Embassy sa Kuwait na kung magkaroon ng problema ay huwag silang magdalawang-isip na mag-sumbong upang mabigyan ng karampatang tulong.

“Kung kailangan niyo na ma-rescue huwag na huwag kayo mag-hesitate na tumawag sa amin dito at humingi ng tulong, gagawin namin lahat ng magagawa namin para sa inyo,” pahayag pa ni Hassan. (Sonny Delos Reyes & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481