Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP-Firearms and Explosives Office, inihinto na ang pagtanggap ng renewal ng firearms license

$
0
0
FILE PHOTO: Mga nag-a-apply ng para sa lisensya ng baril (UNTV News)

FILE PHOTO: Mga nag-a-apply ng para sa lisensya ng baril (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang PNP Firearms and Explosives Office sa mga gun owner na expired na ang lisensya.

Ayon kay FEO Chief, P/CSupt. Muro Virgilio Lazo, dahil sa umiiral na Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), hindi na sila tumatanggap ng renewal ng lisensya ng baril at sa halip ay kukuha na ang mga ito ng Licensed to Own and Possess (LTOP).

Ito aniya ang requirements upang maiparehistro ang kanilang baril o maging sa pagbili ng bagong baril.

“With the new law RA 10591, lilisensyahan po yung tao. We call it licensed to own and possess firearms and if he has LTOP, he can now register his firearms. So if you are a holder of firearm in the old system, first time na maiiregister po yung firearm ninyo,” ani Lazo.

Sinabi pa nito na noong Enero pa nagumpisa ang pagkuha ng LTOP habang ipinahinto naman nila ang pagtanggap ng renewal noong katapusan ng buwan ng Hunyo.

Nagbabala rin ang heneral sa mga hindi sumusunod sa proseso at matitigas ang ulong gun owners na maaari silang makasuhan ng illegal possession of firearms.

Ani Lazo, “Mas stiffer ang penalty nya ngayon sa bawat offense mas mataas ang possible sanctions na ibibigay sayo, in the new law the persons need to have a licensed to own and possess firearms tapos the firearms is now to be registered.”

Kabilang sa mga requirements sa pagkuha ng license to own and possess ay ang neuro psychiatric exam, NSO birth certificate, finger printing, application form, 2×2 pictures, drug test, at clearance mula sa municipal at regional trial court na nangangahulugang kailangan ay hindi nagkaroon ng anomang kaso ang aplikante.

Idinagdag pa ng FEO na sa kasalukuyan ay inaayos na nila ang pagbibigay ng amnestiya sa mga gun owner na matagal nang expired ang lisensya. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481