Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Panawagang dagdag-termino para kay Pangulong Aquino, hindi pa seryosong napag-uusapan ayon sa Malacañang

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III graces the opening of “History and Her Story” – a special commemorative photo exhibit on the 5th death anniversary of former President Corazon C. Aquino at the Glorietta Activity Center in Palm Drive, Makati City on Monday (August 04, 2014). (Photo by Robert Viñas / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Naging usap-usapan sa social networking sites ang panawagan na dagdagan ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang ilan sa kanila ay aprubado ang pamamalakad at repormang ipinatupad ng Pangulo partikular na ang anti-corruption campaign ng pamahalaan.

Ayon sa Palasyo, nakarating ang naturang mga sentimiyento kay Pangulong Aquino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na bagama’t nagbigay na sila ng posisyon noong una sa isyung ito na hanggang 2016 na lamang si Pangulong Aquino, handa naming makinig ang Pangulo sa boses ng mamamayang Pilipino.

“Nagsabi na si Pangulo pero ang kaniyang preference pero syempre titingnan kung yun ba ang tinig ng masa, tinig ng kaniyang mga boss, so may mga sariling opinyon, may ibang nagsasabi ipagpatuloy,” anang Kalihim.

Dagdag pa ni Lacierda, “The President is sensitive to the voice of his boss so lets just wait for that.”

Kaugnay nito, muling binigyang diin ng Malacañang na wala pang seryosong pag-uusap tungkol sa panawagang term extension.

At ayon sa Kalihim, nananatili si Pangulong Aquino sa kanyang posisyon kaugnay ng charter change.

“This is not something we discuss seriously knowing fully well his stand of charter change.”

Iginagalang naman ng Palasyo ang naging pahayag ni DILG Secretary Mar Roxas na payag siya na madagdagan ang termino ni Pangulong Aquino.

“Again Secretary Mar Roxas is expressing his personal preference not a party stands,” saad pa ni Lacierda. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481