Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpapaulan ng bala ng umanoy mga sundalo sa isang bihag na Abu Sayyaf sa Sulu, pinaiimbestigahan na ng AFP

$
0
0

AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang video na pina-uulanan ng bala ng mga sundalo ang isang bihag na hindi na makalaban.

Ang video ay ini-upload sa Facebook ng isang Abu Maidan noong June 20.

Base sa mga lumabas na ulat, umabot ng mahigit isang daang putok ang narinig sa apat na minutong video.

“Pina-iinvestigate ko na at ibinigay ko sa Human Rights Office. Ibinigay ko ung video at they are finding out kung authentic yun, kelan nangyari, san nangyari, bakit nangyari,” pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang.

Labis din na nababahala si Gen. Catapang kung tunay na mga sundalo nga ang nasa video.

“It bothers me if it is true that’s why I want it to be investigated. Ang campaign ko ay kawal disiplinado, bawal abusado, dapat asintado.”

Sa statement na inilabas ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), nangyari ang insidente noong Hunyo 10 nang salakayin umano ng mga sundalo ang hinihinalang safehouse ng teroristang si Abdul Basit Usman sa Brgy. Libutan, Mamasapano, Maguindanao.

Kinilala nila ang lalaki sa video na si Muslimin Talib na umanoy tiyuhin ng asawa ni Usman.

Idinagdag naman ni AFP PAO Chief Lt. Col. Ramon Zagala na base sa suot ng mga sundalo, luma na ang video kayat tiwala silang hindi ito makaaapekto sa isinasagawang usapang pangkapayapaan sa MILF. (Lea Ylagan, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481