Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Senator Francis Escudero, pinabulaanan ang isyung mapupunta lamang sa eleksyon ang 2015 budget

$
0
0

Senate Committee on Finance Chairman Sen. Francis “Chiz” Escudero (UNTV News)

MANILA, Philippines —“Pakituro po kung saan at alin para mapagaralan namin kung election budget nga ba iyan. Papaano iyan papakinabangan ng pulitiko, nalakagay na iyan sa website, walang pulitikong pwedeng umangkin niyan dahil galing yan sa government funds.”

Ito ang pahayag ni Senate Committee on Finance Chairman Sen. Francis “Chiz” Escudero ang isyung sa 2016 elections lamang mapupunta ang pondo ng senado.

Ayon sa senador, kahit ang mahigit apat na bilyong piso na pondo na hinihingi ng Commission on Elections o COMELEC para sa eleksyon, masasalang sa mahigpit na pagbusisi  ng senado.

Dagdag pa nito, kahit may banta pa na maaaring hindi matuloy ang eleksyon sa 2016 kung kulang ang budget ng COMELEC, kailangan pa rin sumailalim sa matinding pag-aaral ng senado ang hihihingin nitong pondo.

“Magkaroon ng item sa budget na hindi lalabag sa DAP decision ng court, na pulled resources iyon at hindi cross border,” ani Sen. Escudero.

Muli namang tiniyak ni Escudero na hihimayin nila ang bawat item sa budget proposal at sisiguruhing tama ang halaga sa bawat proyekto na pinaglalaan ng budget.

“Hihingi kami ng itemized breakdown if practicable.”

“Maski sa mga amounts kailangan namin gawin para umeksakto,” dagdag ng senador.

Ito ay upang maiwasan na ang project stoppage o pagpapatigil ng mga nasimulang proyekto ng gobyerno dahil sa isyu sa budget, pinag-iisipan nilang gawing dalawang taon ang validity ng budget.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga long-term projects na maisakatuparan o matapos na hindi magkaka-problema sa budget.

Binanggit ni Escudero ang mahigit 2.7 billion pesos ng proposed budget ay para sa Bangsamoro Basic Law na  ngayon ay hindi pa naisusumite sa kongreso.

“For sure we cannot pass an appropriation measure of an office that is not existent.”

Sa kabila nito, bubusisiin pa rin nila ang mga items ukol dito at sa oras na maaprubahan na at maipatupad ang  Bangsamoro Basic Law, ayon kay Escudero, madali na para sa senado ang maglabas ng supplemental budget.

Napatunayan na raw nila ito nang maglaaan ng supplemental budget para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, sa August 19 magsisimula ang kanilang budget deliberations. Itatakda na rin nila ang mga budget hearing ng senado. Inaasahan nila na sa unang linggo palang ng Disyembre ay aprubado na nila at maipasa na kay Pangulong Aquino ang pambansang budget para sa susunod na taon. (Joyce Balancio, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481