Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Alegasyon ng panunuhol sa mga state prosecutor sa Maguindanao massacre case, pinaiimbestigahan na ni Sec. Leila De Lima

$
0
0

DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inatasan na ni Secretary Leila De Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga alegasyon ng panunuhol sa mga state prosecutor sa kaso ng Maguindanao massacre.

Saklaw ng imbestigasyon ang akusasyon ni Lakmodin Saliao na sinuhulan ng ₱50-million ng mga Ampatuan ang mga piskal at si undersecretary Francisco Baraan III.

Iimbestigahan din ang sinasabi ng private prosecutor na si Attorney Nena Santos na tinangka siyang suhulan ng P300-million ng mga Ampatuan upang ilaglag ang kaso.

Kasama rin sa imbestigasyon ang umano’y notebook na naglalaman ng listahan ng mga umano’y nasuhulan ng mga Ampatuan.

Tatlumpung araw ang ibinigay na palugit ng kalihim sa NBI upang makapagsumite ng resulta ng imbestigasyon.

“Mismo sina Usec. Baraan and the panel members, the public prosecutors, are asking for that investigation, para malaman daw talaga yung katotohanan,” ani De Lima.

“Lahat ng mga personalities na napapangalanan, isasama sa subpoena. Isa-subpoena si Atty Nena, Saliao, Usec. and prosecutors, lawyers like Atty. Fortun, Manaloto, napapangalanan sila, so lahat yun para malaman natin,” saad pa nito.

Ngunit ayon kay Attorney Nena Santos, hindi siya makikiisa sa imbestigasyon ng NBI dahil hindi maaasahan na patas ang magiging resulta nito.

Hinihiling niya na magkaroon ng isang independent na imbestigasyon sa isyu.

Ayon kay Secretary De Lima, wala namang problema kung isang independent na imbestigasyon ang nais ni Santos.

Aniya, “They can always demand for that. But that cannot prevent me from also directing an investigation because I also want to know the whole truth, at mandate pa rin yan kahit papaano, kahit ang isinasangkot ay tao namin, mandate pa rin yan ng DOJ at ng NBI.”

Sinabi naman ni Attorney Harry Roque na walang ibang layunin ang isyu ng panunuhol kundi sirain ang kaso laban sa mga Ampatuan.

Hinihiling niyang imbestigahan ito ng mga otoridad.

Samantala, galit namang sinagot ni Usec. Baraan ang panibagong alegasyon ni Santos.

Sinabi nitong hindi siya aatras sa kaso dahil sa isyu ng panunuhol.

“Ano yun listahan? notebook? sabi ko nga, ulitin ko, that’s rubbish, that’s garbage, that’s carabao manure. I’m sorry to say.”

“Uulitin ko kay Nena Santos: don’t wait for any investigation, file the cases against me, right now. Wag ka na maghintay, nagdadrama-drama ka pa dyan eh,” saad pa ni Baraan.

Sinabi naman ni De Lima na sa halip na nagaakusa si Santos sa pamamagitan ng media, magsampa na lamang ito ng pormal na reklamo.

“Kung talagang may ebidensiya, may witnesses, file, please file those case right away before the proper forum,” dagdag pa ni De Lima. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481