Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sugatang driver ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Cebu

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team – Cebu ang sugatang driver ng motorsiklo matapos makabangga ng tumatawid na lalaki sa Mabolo-Cebu city Linggo ng madaling araw (UNTV News)

CEBU, Philippines — Naabutan ng UNTV News and Rescue Team ang driver ng motorsiklo na nakaupo matapos itong makabangga ng isang lalakeng tumatawid sa Linas drive, Brgy. Mabolo, Linggo ng madaling araw.

Naunang isinugod sa ospital ang nabanggang lalake na kinilalang si Jiager Salindez ng Emergency Response Unit Foundation ng Cebu.

Samantalang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang tuhod si Sean Christopher Neri, driver ng motorsiklo na nakabangga kay Salindez. Matapos malapatan ng paunang lunas, agad dinala ng UNTV News and Rescue Team si Salindez sa ospital.

“Ato ni siyang hinabion sa pamaagi ug pag conduct of full investigation, after sa investigation kung ang usa ka biktima desidido siya na magpasaka ug kaso ngadto sa nakabangga sa iyaha, atua ni siyang aksyonan (Aalamin natin ang pangyayari sa mamamagitan ng pag conduct ng full investigation at pagkatapos ng imbestigasyon kung ang biktima ay desidido magsampa ng kaso sa nakabangga, atin itong aaksyonan),” pahayag ni Cebu Traffic Officer PO3 Edgar Baton.

Ayon kay Neri, hindi niya napansin ang tumatawid na si Salindez dahil nakasuot ito ng at kulay itim na damit kaya niya ito nabangga. Nangako naman ito na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ni Salindez sa ospital. (Marlhon Abique, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes