Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga kaanak ng MV Princess of the Stars victims, ikinagalit ang pag-abswelto ng SC sa may-ari ng Sulpicio Lines

$
0
0

Ang mga kamag-anak ng mga biktima ng MV Princess of the Stars na nag-rally sa harap ng Korte Suprema. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Galit na galit ang mga kaanak ng mga biktima ng lumubog na MV Princess of the Stars sa naging desisyon ng Korte Suprema na i-abswelto ang may-ari ng Sulpicio Lines sa kasong kriminal.

Reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries and damage to properties ang kasong isinampa kay Edward Go, Vice President for Administration ng kumpanyang Sulpicio Lines.

Batay sa naging desisyon ng Korte Suprema, hindi criminal case kundi civil case lamang ang maaaring isampa sa pamilya Go.

Pinagbatayan ng Korte Suprema ang una ng naging desisyon ng Court of Appeals na walang pananagutan ang pamilya Go dahil maituturing ito na civil in nature.

Ngunit giit ng mga kaanak ng biktima, pananagutan ng mga opsisyales ng barko ang pagdedesisyon kung dapat ba itong maglayag o hindi noong panahong tumaob ito sa Sibuyan Island sa Romblon.

Nagmartsa ang mga ito sa Korte Suprema upang ihain ang omnibus motion for reconsideration at upang hilingin sa Supreme Court en banc na bigyan ito ng pansin at masusing pag-usapan.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta, malaki pa rin ang kanilang pag-asa na pakikingan sila ng Korte Suprema.

“Pero hanggang hindi final pwede maghearing kaya buhay pa rin yung kaso sa RTC,” saad nito.

Samantala, marami pa ring mga labi ng mga biktima ang hanggang sa ngayon ay hindi pa natutukoy.

Magugunitang June 21, 2008 nang mangyari ang aksidente subalit hanggang ngayon ay iilan pa lamang sa mga labi ang nakikilala. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481