MANILA, Philippines — Patuloy na itinatanggi ni retired Major General Jovito Palparan ang mga akusasyon laban sa kanya.
Sinabi ni Palparan na wala siyang kinalaman sa pagdukot at pagkawala ng UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan sa Bulacan noong 2006.
Matagal na rin aniyang nais lumabas upang harapin ang mga kaso laban sa kanya ngunit nangangamba siya umano sa kanyang kaligtasan bunsod na rin ng mga banta sa kanyang buhay. (UNTV News)