BULACAN, Philippines — Naghahanda na ang Bulacan Regional Trial Court sa posibleng pagdadala kay Retired Major General Jovito Palparan upang basahan ng sakdal
Ito ay matapos mahuli sa Sta. Mesa, Manila ang isa sa tinaguriang big 5 most wanted fugitive sa madaling araw nitong Martes.
Pinapahintulutan pumasok ang mga mamahayag subalit hindi maaring kumuha ng video sa loob ng court room.
Ayon kay Atty. Melba Agustin Branch 14 Clerk of Court, wala pang abiso kung ngayon araw dadalhin dito sa RTC si Palaparan, ngunit inihahanda na nila lahat ng mga kakailanganing papeles at iba pang bagay kung sakaling dalhin na rito ang akusado.
Hawak dati ni Atty. Narzal Mallares at Atty. Jesus Santos ang kaso ni Palparan.
Subalit ayon kay Santos, matagal na niyang hindi nakakausap si Palparan at hindi rin niya tiyak kung siya pa rin ang hahawak ng kaso nito.
Disyembre 19, 2011 ng mag-isyu si Judge Teodoro Gonzalez ng Bulacan Regional Trial Court branch 14 ng warrant of arrest laban kay Palparan kaugnay ng pagkawala ng UP students na sina Karen Empino at Sherlyn Cadapan noong Hunyo 26, 2006. (NESTOR TORRES / UNTV News)