Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mataas na presyo ng karneng manok sa merkado, iimbestigahan ng DA at DTI

$
0
0

Iimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng karne ng manok sa pamilihan (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naglibot ang mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa mga pamilihan upang matiyak na walang magtataas sa presyo ng karne ng  manok.

Iimbestigahan ng DA at DTI ang overpricing sa mga ibinibentang karne ng manok sa merkado.

Ayon sa DA at DTI, dapat ay naglalaro lamang sa 140 at 145 ang  isang kilo ng manok subalit may napaulat na may ilan na nagbebenta na umaabot ng 160 hanggang 170 pesos.

Sa Commonwealth Market, nasa 150 to 160 pesos ang kilo ng manok, may mangilan-ngilan na nagtitinda ng 130 to 140.

Dumadaing naman ang mga nagtitinda dahil mahal din daw nilang nabibili ang ibinebenta nilang manok sa mga supplier.

“Siyempre, pag mataas bigay nila mataas din kuha nila sa farm kaya mataas din bigay nila samin so pag binenta mo para makabenta kahit sa puhunan,” ani Caroline Manalo, nagtitinda ng manok.

Binigyan ng show cause order ng DA ang mga nagtitinda upang magpaliwanag bakit mahal ibinebenta ang kilo ng manok.

Mas mababa naman ang presyuhan sa supermarket dahil direktang nabibili ang mga sa mga dealer hindi gaya sa mga palengke.

Kapag natapos ang imbestigasyon, pananagutin ng DA at DTI ang mga nagtinda ng mataas na presyo lalo na ang mga supplier batay na rin sa Price Act.

“Ipapairal po natin yung batas Price Act. May multa po yan na hindi bababa sa limang libo hanggang isang milyon,” saad ni DTI Usec. Victoriano Dimagiba.

Payo ng DTI sa mga mamimili, huwag kalimutan na humingi ng diskwento, nakahanda namang magbigay ng discount ang mga nagtitinda upang mas makamura sa inyong bibilhing karneng manok. Mas maganda rin na bumili na ng marami upang makatipid.

Samantala, siniguro ng DA na sapat ang supply ng manok hanggang sa holiday season. (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481