Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Filipino community sa Madrid, Spain, suportado ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup

$
0
0

Ang ilan sa mga kababayan nating mga Pilipino sa Madrid, Spain sa pagsuporta sa Gilas Pilipinas — ang national bastketball team ng ating bansa para sa FIBA 2014. (UNTV News)

MADRID, Spain – Ilang tulog na lang ay opisyal nang magsisimula ang 2014 FIBA Basketball World Cup sa Spain kung saan kabilang sa mga inaabangan ng mga Pilipino doon ang laban ng Gilas Pilipinas national team.

Abalang-abala na ang iba’t ibang organisasyon ng mga Pilipino sa Madrid upang suportahan ang Team Gilas.

Sa ngayon ay mayroong halos 30 aktibong organisasyon ang mga Pilipino sa Madrid.

“Dito po sa Spain kaming mga Pilipino ditto ginagawa po namin ang lahat dito para masuportahan ang Gilas Pilipinas,” pahayag ni Anacleto “Snak” Lacuin ng Allianza de los Guardianes dela Paz.

Isinasaayos na ng mga grupo ang distribusyon ng ticket sa gagawing pre-games ng Gilas sa August 24, 25 at 26 sa Ciudad ng Guadalajara.

Aabot sa 24 na koponan mula sa 213 federations ang maglalaban-laban upang makamit ang kampeonato sa FIBA World Cup.

Magsisimula ang prestihiyosong torneyo sa darating na Agosto 30 sa Bilbao, Seville, Granada at Las Palmas De Gran Canaria

Gaganapin naman ang final round sa Barcelona at Palacio De Los Deportes sa Madrid sa Setyembre 14, 2014.

Unang makakasagupa ng Pilipinas sa August 30 ang bansang Croatia.

Upang makausad sa next round, kailangang manalo ng dalawang beses ang Pilipinas laban sa Argentina, Senegal, Greece at Puerto Rico. (Rey Tejada / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481