LIBERIA – Dumating na sa Liberia ang experimental Ebola drug na ginamit ng dalawang doktor na nagpositibo sa naturang sakit.
Dalawang kahon ng “zmapp” ang dinala sa ospital kung saan naka-confine ang dalawang Liberian doctors na tinamaan ng sakit.
Bagama’t inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng experimental drug, hindi pa rin sigurado kung mabisa ito.
“For me, this is not the answer, it’s just a matter of trial. We need to continue our contact tracing, our surveillance system, we need to continue the health promotion, we need to continue the mechanism that will break transmission so that we eradicate this disease. By giving this drug, it is not the answer,” pahayag ni Nyenswah Tolbert, Assistant Health Minister, Sierra-Leone.
Ilang araw pa lamang ang nakararaan nasawi rin ang Spanish priest na tinamaan ng Ebola at pinainom ng “zmapp”.
Sa ngayon ay nasa 1,975 na ang nagpositibo sa virus mula sa Liberia, Sierra Leonne, Guinea at Nigeria, habang 1,069 sa mga ito ay nasawi na. (UNTV News)