Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

768 OFW’s mula sa Libya, ligtas na nakauwi ng Pilipinas

$
0
0

Isang madamdaming tagpo mula sa isa sa mga 768 OFW’s mula sa Libya na nakauwi na ng bansa nitong Lunes. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakabalik na ng Pilipinas ang 768 Overseas Filipino Worker mula sa Libya, noong Sabado ng gabi at Linggo ng umaga.

Sakay ang mga ito ng dalawang chartered flights ng Philippine Air Lines.

Sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), dumating ang unang batch ng 419 na OFW’s sa NAIA Terminal 2, bandang alas-10 ng gabi noong Sabado.

Personal na sinalubong ang mga ito nina Philippine Vice President at Presidential Adviser on OFW Concerns Jejomar Binay at Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

Ang pangalawang batch naman ay binubuo ng 349 na OFW’s ay dumating pasado alas-3:30 kahapon ng madaling araw.

Ayon kay DFA Asec. Charles Jose, binigyan ng mga bag na naglalaman ng pagkain, tubig at t-shirt ang mga umuwing OFW.

“Holding area, inexplain ng OWWA yung mga assistance na ibibigay nila na P10,000 bawat isa, assist well reintegration program.”

“Those who are going to be met by their next of kin, we are going to make sure that they will be turned over properly. Those who are mostly from LUZVISMIN kasi gabi na, hindi na makakauwi, iha-house muna sa hostel ng OWWA, free accommodation and food, and the next day we will see that they will be given transpo to get back home,” pahayag naman ni OWWA Administrator Rebecca Calzado.

Bagama’t ikinatuwa ang ligtas na pag-uwi sa bansa, bakas naman sa mukha ng mga manggagawang Pinoy ang pangamba at takot sa kanilang pinagdaanan at nasaksihang kaguluhan sa Libya.

“Nag-resign na po kami dahil napakadelikado,” ani Ramil Dela Peña.”

“Kahit anong pilit po natin na pauwiin sila, decision po nila yun. kaya decision din namin ito,” dagdag pa nito.

Kwento naman ni Roselyn na isa ring OFW, “Yung security namin, grabe po ang putukan, kaya kami nagdecide na umuwi… happy kasi ligtas na nakauwi.”

Sa ngayon ay umaabot na sa 2,727 OFW mula sa Libya ang nailikas na ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng Malacañang na magpapatuloy pa rin ang repatriation ng mga Pilipino sa Libya sa gitna ng lumalalang kaguluhan sa lugar. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481