Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

LTO, LTFRB at mga transport group sa Cebu, nasagawa ng dialogue kaugnay ng Joint Administrative Order ng DOTC

$
0
0

Nagsagawa ng transport dialogue ang LTO, LTFRB at mga transport group sa Cebu kaugnay ng Joint Administrative Order ng DOTC (UNTV News)

CEBU, Philippines — Katatapos lang ng transport dialogue na isinasagawa rito sa MIP Lounge sa Lapu-lapu City, Cebu kasama ang mga opisyalng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maging ang mga leader ng iba’t ibang transport group sa Cebu.

Kaugnay pa rin ito sa mga usapin ng Joint Administrartive Order ng  Department of Transportation and Communications (DOTC) na mas mataas na violation fines sa mga colorum at out of line na sasakyan.

Ilan sa inireklamo ng mga transport operator, partikular ng Citrasco Cebu na alisin na ang mga fines sa mga operator kapag nagkaroon ng paglabag ang kanilang mga driver. Kabilang na ang overcharging, refusal, walang seatbelt at iba pa.

May ilang operator naman na nagmungkahi na ipatigil muna ang JAO subalit ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, hindi nila maaring maalis ang JAO.

Ang maari nilang gawin ay magsagawa ng review at magkaroon ng adjustment sa administrative order.

Inihayag naman ng LTO at LTFRB na bumaba ang bilang ng mga traffic violation sa buong bansa sa  pagpapatupad ng JAO simula noong Hunyo.

Pangunahing layunin pa rin nito ay ang madisiplina ang mga driver at mga operator para sa mas ikaaayos sa transport sector sa bansa. (Naomi Sorianosos, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481