QUEZON CITY, Philippines — Pasado alas-nuwebe kagabi ng respondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalake matapos masagi ng isang bus habang tumatawid sa Congressional Avenue, Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Karl Daniel Canlas, 19 anyos at residente ng Bago Bantay, Quezon City.
Nagtamo ng pamamaga at sugat sa kilay ang biktima na agad namang binigyan paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at saka dinala sa East Avenue Medical Center.
Ayon naman sa mga nakasaksi, matapos ang insidente agad tumakas ang driver at konduktor ng bus.
Walang plaka ang bus na pag-aari ng Admiral Transport. (UNTV News)