Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Davao Oriental Provincial Government at DSWD, tiwalang matatapos ngayong taon ang 70% ng kabuuang target ng mga bagong bahay na ipamamahagi sa mga napinsala ng Bagyong Pablo

$
0
0

Sa ngayon ay nasa mahigit na 3, 000 mga bahay ang natatapos at naipapamahagi pa lamang para sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Pablo (UNTV News)

DAVAO, Philippines — Tiwala ang provincial government ng Davao Oriental na sa pagtatapos ng taong 2014 ay matatapos nila at maipapamahagi ang 70 porsyento ng mga bagong bahay para sa mga residente ng probinsya na napinsala ng Bagyong Pablo noong 2012.

May kabuuang target na 19,880 bahay ang provincial government ng Davao Oriental at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ngunit sa ngayon ay nasa 3,218 pa lang o 16 percent ng kabuuang target ang natatapos at naipamahagi.

Ayon kay Davao Oriental Governor Corazon Malanyaon, puspusan na ang pagkilos nila upang madaliin pa ang pagbili ng mga lupain na gagawing ressetlement sites na pagtatayuan ng mga bagong bahay.

Samantala, bahagya namang naantala ang progreso ng construction dahil sa mga naranasang low pressure area at masamang panahon sa lugar. Hirap makapasok sa ilang lugar dahil sa mga nasirang kalsada gaya ng daan na nagdudugtong sa mga munisipalidad ng Baganga at Cateel.

Inaasahang pagsapit ng ikalawang taon ng pagtama ng bagyong Pablo sa Davao Oriental sa buwan ng Disyembre ay makukumpleto na at maituturn over ang 70 porsyento sa kabuuang target na pabahay.

Kamakailan ay muling nag-turn over ng 1047 housing units ang DSWD at provincial government ng davao oriental sa mga residente ng Baganga at Cateel.

Nagpasalamat naman ang DSWD sa suporta at commitment ng provincial government sa convergence program upang agad na makabangon ang lalawigan mula sa naranasang kalamidad.

Tiniyak ng DSWD na hindi natatapos sa pamamahagi ng housing projects ang tulong ng kagawaran sa mga binagyong residente dahil nakatakda pa silang maglunsad ng mga livelihood program partikular na sa agri-based production at micro enterprising strategies.

Sa Setyembre, nakatakdang muling magpulong ang DSWD at provincial government upang talakayin pa ang ibang livelihood programs na maaring ibigay sa mga residenteng napinsala ng Bagyong Pablo. (Louell Requilman, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481