Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglaganap ng Ebola virus sa Monrovia, pinangangambahan

$
0
0

A crowd gathers near a checkpoint, which controls the movement of people in and out of Ebola-hit regions, at the entrance to Bomi county in northwestern Liberia August 11, 2014. The death toll from the worst ever outbreak of Ebola has risen to 1,145, the World Health Organization said on Friday, as 76 new deaths were reported in the two days to August 13 in the four West African nations affected by the epidemic. Picture taken August 11, 2014. REUTERS/Sabrina Karim

MONROVIA, Liberia — Nangangamba ngayon ang maraming mamamayan ng Liberia sa posibleng paglaganap ng sakit na Ebola virus matapos lusubin at pagnakawan ng daan-daang residente ang isang quarantine center sa West Point, Monrovia.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang 17 suspected Ebola carriers na nakatakas sa naturang isolation center matapos ang kaguluhan noong Sabado.

“There has to be concern that people in quarantined areas are left to fend for themselves. Who is going to be the police officer who goes to these places? There’s a risk that these places become plague villages,” pahayag ni Mike Noyes, pinuno ng Humanitarian Response, Action Aid ng UK.

Sabado ng gabi nang sugurin ng mga galit na galit na protester ang quarantine center sa West Point, Monrovia kung saang nasa 20 mga pasyente ang minomonitor dahil sa Ebola virus.

Ang quarantine center na ito ay isang primary school sa west point area na pinagawa ng US Aid at kasalukuyang ginagamit ng Liberian Health Ministry bilang isolation center sa mga pinaghihinalaang may Ebola virus.

Sa West Point area sa Monrovia, nagmula ang mga lumusob na protester mula sa isang squatter area na may tinatayang 50,000 residente.

Ayon sa kanila, walang Ebola virus sa kanilang lugar at hindi totoo ang Ebola outbreak.

Hinarang din ng mga galit na residente ang burial mask team at ang police escort nito at sapilitang binuksan ang isolation center at pinalabas ang mga pasyente na nasa loob nito.

Bagama’t may rumespondeng Liberian police at nagbigay ng warning shot ay hindi pa rin natinag ang mga protester.

Bukod dito ay tinangay din ng mga protester ang mga pagkain, beddings at medical equipment ng naturang isolation center na maaaring maging dahilan ng  lalo pang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2,127 ang dinapuan ng Ebola virus at 1,145 na ang nasawi. (Bong Latore / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481