Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Entry ng isang visually-impaired, muling binigyan ng pagkakataon sa A Song of Praise Music Festival  

$
0
0

Ang interpreter at composer ng tinanghal na ASOP Song of the Week na “Panginoon Kay Buti Mo” na sina Walton Zerrudo at Jesse Bayodoc sa pagkapanalo nitong Linggo. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi inaasahang baguhang kompositor na si Jesse Bayodoc na muling bibigyan ng pagkakataong ang kanyang komposisyon na “Panginoon Kay Buti Mo” na makabalik sa A Song of Praise o ASOP Music Festival.

Muling pinalad ang kanyang obra na makasali sa huling monthly finals sa susunod na linggo matapos itong tanghaling ‘Song of the Week” ng huling producer’s pick weekly episode nitong Linggo ng gabi.

Pahayag ni Jesse, “Parang wala ng pag-asa. Parang ganoon po ‘yung nararamdaman ko noong una po.  Ngayon po talagang hindi ko po mapaliwanag po ‘yung nararamdaman ko po talaga.”

Magkahalong kaba at tuwa naman ang naramdaman ng interpreter nito na isang miyembro ng sumisikat na all-male vocal group na Voices of Five na si Walton Zerrudo muli niyang pagbibigay buhay sa awit

Ani Walton, “Lalo akong kinabahan kasi ang dami niyang pinalitan na lyrics. Mahirap na ‘to baka ano… pero sa desisyon ngayon, salamat at na-interpret ko ‘yung kanta nang maayos.”

Nagka-isa naman sa kanilang puna sa awit ang mga huradong sina Jungee Marcelo na isang premyadong kompositor, Maricris Bermont-Garcia na dating sikat na mang-aawit noong dekada 80 at Doktor Musiko Mon del Rosario.

Nagpahayag na rin ng pagtulong sa pag-aayos ng entry ni Jesse si Walton.

“Siguro kailangan naming i-work out ‘yung bridge. Bridge ng kanta kasi ‘yun ‘yung tinutukan ng mga judges natin ngayon kaya kailangan naming paiko-ikutin ‘yun,” pahabol ni Zerrudo.

Nakatunggali ng “Panginoon Kay Buti Mo” ang mga awiting “Paglingap Mo ang Nararamdaman” ni Jestoni Ostulano sa interpretasyon ni Jan Nieto at “I Am Yours” ni Jennifer Maravilla sa rendisyon naman ni Haydee Manosca. (ADJES CARREON / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481