Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pila ng mga pasaherong sasakay ng MRT, mas humaba pa dahil sa pinabagal na takbo ng tren

$
0
0

UNTV Drone shot : Dahil sa pinabagal na takbo ng MRT, lalong humaba ang pila at tumagal ang paghihintay ng mga pasahero bago makasakay patungo sa kani-kanilang destinasyon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi pa masyadong naramdaman kahapon ang epekto ng pagpapabagal sa takbo ng MRT trains. Nataon na walang pasok kaya kakaunti ang mga pasahero lalo na sa MRT North Avenue station.

Subalit kaninang umaga, kitang kita na dumoble ang haba ng pila sa North Avenue station. Kung hindi pa pinaliko ang pila ng mga tao, lalagpas na ito sa himpilan ng UNTV sa Philam–EDSA.

Umabot rin sa halos alas-diyes ng umaga ang mahabang pila na karaniwan ay natatapos na bago sumapit ang alas-nwebe ng umaga.

Umabot na hanggang malapit sa Philam–EDSA at sa UNTV studio ang pila ng mga pasahero ng MRT. Resulta ito ng adjustment na ginawa ng pamunuan ng MRT na gawing 40kph na lamang yung dating 50kph na bilis ng mga tren ng bagon ng MRT.

Sinabi ng pamunuan ng MRT na dahil sa pinabagal ang takbo ng MRT sa 40kph mula sa 50kph, madaragdagan ang oras ng paghihintay ng mga pasahero ng  pito hanggang sampung minuto at madaragdagan ang travel time ng  labinlimang minuto.

Kumausap kami ng tatlong pasahero upang alamin kung gaano katagal ang madadagdag sa kanilang waiting time at travel time kumpara noon na 50kph pa ang takbo ng mga tren.

Si Paul, araw-araw sumasakay ng MRT patungong Shaw boulevard station. Dati ay umaabot ng two hours bago siya makarating sa kanyang destinasyon. Kanina, 7:15 ng umaga kasama ang kanyang pagpila ay 9:20 ng umaga nang makarating siya ng Shaw boulevard. Kaya nadagdagan lamang ng limang minuto ang kanyang waiting at travel time.

Si Aling Celia, dati umaabot ng dalawang oras bago makarating sa Ayala station. 7:15 ng umaga nang magumpisang pumila at dumating ng 9:20 sa Ayala. Nadagdagan lamang ng limang minuto ang kanyang travel at waiting time.

Si Michelle, sa Magallanes station bababa. Dati, umaabot ng two hours and thirty minutes ang waiting at travel time. 7:30 AM ng pumila, 9:30 ng umaga ng makarating sa Magallanes. Nadagdagan ng thirty minutes ang kanyang waiting time at travel time.

Ayon sa pamunuan ng MRT, hindi naman nagkakalayo sa dating oras at sa oras na magiging biyahe ngayon na mas mabagal na ang takbo ng mga tren sa travel time ng mga pasahero.

“Nakita natin na yung 40 is at par pa rin doon sa 35 na regular natin, so kung idagdag natin yung dami ng tao, yung volume ng traffic sa tren, tama pa rin tayo sa madadagdag na 7 minutes, madagdag sa 35 minuntes,” pahayag ni MRT Spokesperson, Atty. Hernan Cabrera.

Magkakaroon lamang ng problema sa dami ng mga pasaherong pumipila lalo na kapag rush hour.

Ang payo ng MRT sa ating mga kababayan, planuhing mabuti ang pagpasok sa trabaho. Kung kinakailangang mag-adjust ng oras ng mas maaga ay mas mabuting gawin upang makaiwas sa dagsa ng mga sumasakay ng MRT araw-araw. (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481