BULACAN, Philippines — Tumagal ng mahigit apat na oras ang pulong ng Commission on Higher Education (CHED) Region III investigators sa pamunuan ng Bulacan State University (BSU) tungkol sa fieldtrip na nauwi sa trahedya sa Madlum cave na kinasawi ng pitong tourism student ng BSU noong Martes.
Ang CHED investigating team na binubuo ng limang miyembro ay pinangungunahan ni Dr. Christina Nuque at Dr. Regina Tura.
Ayon kay BSU Vice President Antonio Del Rosario, handa silang makipagtulungan sa CHED upang matukoy ang mga naging pagkukulang, kung sino ang dapat papanagutin at kung ano-ano ang dapat panagutan ng paaralan.
“Una yung travel agency, kasama sa buses ng mga bata, adventure exchange. Wala namin kaming tinatago d’yan. we have lapses, we have to face our responsibilities.”
Aminado rin ang pamunuan ng BSU na nagkaroon ng pagkukulang sa fieldtrip ng mga estudyante.
Bagamat may pinirmihang waiver, nilininaw ng BSU faculty na wala silang poder na piliting sumama sa fieldtrip ang mga estudyante.
Nasa waiver din na sang-ayon ang mga magulang ng mga estudyante sa field trip at walang pananagutan ang paaralan sa anumang mangyayari.
“Ano porpose ng trip, petsa time, place, word to the defect to parents are granting permission to the children to join. Nakalagay ba doon na wala kayo pananagutan? Usually nakalagay yun sa mga waiver,” saad ni Del Rosario.
Bukod sa ilang kasamang guro, kasama rin sa ini-imbestigahan ang tourist guide ng adventure tour, local government officials, at ang Madlum cave officers.
Samantala, kaninang alas-syete ng umaga ay pinagsuot ng pamunuan ng BSU ng itim na damit ang mahigit na apat na libong estudiyante bilang pakikiramay sa mga naulilang kaanak ng mga nasawing estudyante na nalunod sa Sibul river sa San Miguel, Bulacan.
“Isa rin sa pinagtutuuanan ng pansin ng BSU faculty ay ang mga estudyanteng nakaligtas sa trahedya dahil sa posibleng trauma na naidulot sa kanila ng trahedya,” saad ni Michael Joseph Santos mula sa BSU College of Engineering.
“Una sa mga bata, marami kasi yan. Nag-attempt kami other day, mukhang hindi pa ready because of traumatic experience. Instruction for us long they need the assistance of our psychologists, briefing starting today,” pahayag ni Del Rosario.
Panawagan ng karamihan dito sa Bulacan, hustisya sa sa malagim na sinapit ng pitong estudyante ng BSU at mabigyan ng karampatang parusa ang nagkaroon ng mga kapabayaan. (Nestor Torres, UNTV News)