
FILE PHOTO : Umabot na sa isang milyong mangingisda sa buong bansa ang rehistrado sa National Program for Muncipal Fisherfolk registration ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (UNTV News)
MANILA, Philippines — Umabot na sa isang milyong mangingisda sa buong bansa ang nagparehistro sa National Program for Municipal Fisherfolk Registration (FishR) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon sa Department of Agriculture-BFAR, ito ay mula sa 50-libo mula sa taong 1998 to 2012.
Alinsunod sa Republic Act 8550 (Fisheries Code of 1998), inilunsad ng DA-BFAR ang National Program for Municipal Fisherfolk Registration.
Mula noong 2013 ay pinaigting ng pamahalaan ang pagpaparehistro ng mga mangingisda sa kani-kanilang mga munisipalidad.
Layunin ng programa na matukoy ang kabuoang bilang ng mga mangingisda na bibigyan ng ayuda sa mga panahon ng kalamidad.
Ayon kay BFAR National Director Asis Perez, ang mga rehistrado na sa programa ay otomatikong magiging miyembro ng Philhealth, kung wala pang health insurance at kabilang sa below poverty line.
Bukod pa dito ang crop at life insurance.
“Ayaw natin na ang mga mangingisda nain ay parating libre. Kasi pag palagi silang libre ibig sabihin habang panahon silang mahirap. Kaya ang gagawin natin yung na-identify nating mangingisda na nasa poverty incidents bibigyan natin ng targeted intervention para umangat sila,” saad ni Perez.
“Lalabas po sa record kasi on the cross matching na silay covered na. Ngayon kung di po sila covered they will be covered by this program,” pahayag naman ni DA Secretary Proceso Alcala.
Target ng programa na makapagparehistro ang may 1.7 milyong mangingisda sa buong bansa bago matapos ang 2014. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)