Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Lalake, patay sa pamamaril sa Quezon City

$
0
0

Isang lalaki ang natagpuang patay sa Brgy. Bagong Silangan, QC, matapos itong magtamo ng limang tama ng bala ng baril sa ulo kaninang madaling araw. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Dead on the spot ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Payatas Rd. Purok Siete Sitio Rolling Hills, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, bandang ala-una kaninang madaling araw.

Mahigit sa limang tama ng bala ng 9mm kalibre na baril sa ulo at katawan ang tinamo ng biktima na kinilalang si Eric Mondia, 27 anyos, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa tauhan ng Brgy. Silangan, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang pasahero na nakakita sa bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon ang mga otoridad kung paano at ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

“Agad po kaming rumesponde pagdating naming, ito na natagpuan namin na may tama nga siya sa noo,” pahayag ni Brgy. Silangan BPSO Jossie Albiya.

Hindi naman makapaniwala ang ama ng biktima na si Ely Mondia sa nangyari sa kaniyang anak dahil wala naman aniya itong nakakaaway.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nangyaring insidente. (Jericho Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.