Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

$2-B halaga ng Coco Water, nasasayang kada taon – Sec. Pangilinan

$
0
0

Pag-aaralan ng pamahalaan kung paano pagkakakitahan ang coco water na umaabot sa dalawang bilyong litro kada taon ang itinatapon lamang at nasasayang (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pagaaralan ng Philippine Coconut Authority (PCA) kung papaano magiging export product ng Pilipinas ang coco water.

Sa pagdiriwang ng ika-28 National Coconut Week, sinabi ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Sec. Francis “Kiko” Pangilinan na kada taon ay nasa 2 bilyong litro ng Coco water ang nasasayang lamang kada taon.

Sinabi ni Pangilinan na sa Amerika ay nagkakahalaga ng isang dolyar ang isang litro ng coco water.

Ibig sabihin, nasa $2 bilyon ang maaari pa sanang kitain ng bansa kung mabibigyan lamang ng kaukulang pag-aaral ang coco water upang mapagkakitaan.

“Ang coco milk kasi o coco water, para yang gatas, pag hindi mo naprocess ng tama mapapanes. And processing of milk requires technology and the same way processing ng coco water for export, kinakailangan ng teknolohiya.”

Bukod sa coco water ay pagtutuonan din ng pansin ng PCA ang bunot ng niyog kung saan 4 na bilyong kilo naman nito ang nasasayang kada taon.

Ayon sa kalihim, 70-75% ng coconut product ang ine-export ng Pilipinas.

Isa sa pinakamalaki ay ang coconut oil na umaabot sa $2 billion ang halagang ini-export ng bansa.

Magsasagawa rin ng registration ng mga magsasaka ng niyog ang pamahalaan upang malaman ang kanilang bilang sa buong bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa 324-milyon ang puno ng niyog sa bansa.

Ayon kay PCA Administrator Romulo Arancon Jr., sa ngayon ay malaki ang pangangailangan ng niyog sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong nakaraang taon kung saan aabot sa 42-milyong puno ng niyog ang nasalanta.

“Meron tayong fertilization program, meron tayong replanting at saka nag-i-intercrop din tayo para in the meantime na wala pa silang source of income from coconuts kasi lumiit nga yung bunga kumunti nga yung ani.” (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481