Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Nasa 4,000 nakumpiskang smuggled laptop, ipinagkaloob ng Bureau of Customs sa Department of Education

$
0
0

Ang pagkakaloob ng Bureau of Customs sa Department of Education ng mga nasabat na smuggled laptops na umaabot sa 3,915 units nitong Huwebes, Agosto 28, 2014. (VICTOR COSARE / UNTV News)

MANILA, Philippines — Tatlonglibo, siyam na raan at labinglima (3,915) na laptops ang ipinagkaloob ng Bureau of Customs sa Department of Education.

Ang mga smuggled laptop ay nakumpiska ng BOC noong 2011 na nakapangalan sa Orza Marketing.

Idineklara ang kargamento na computer parts subalit sa pagsusuri ng BOC, lumabas na ito ay buong mga laptop.

Matapos ang dalawang failed bidding nagpasya na ang kawanihan na ipagkaloob ang mga ito sa DepEd upang magamit ng mga guro at mag aaral.

Nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa 80 milyong piso ang nakumpiskang computers.

Pahayag ni BOC Commissioner John Sevilla, “On one hand, natutuwa kami na may makikinabang sa mga na-seized na computers na ito pero may kasamang lungkot at galit. Kasi mas gusto namin, walang smuggling; mas gusto namin, tama yung pag-declare ng goods.”

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, 2,000 sa mga ito ang ipapagamit sa mga Alternative Learning System o ALS teachers.

Ang mga gurong ito ang umiikot sa buong bansa upang maturuan ang mga out of school youth.

“We have around 1.2 million (out-of-school youth) in our initial listing na iikutan ito ng ating mga teachers. Ang gagamitin po, kaya maganda itong laptop, ipapasok na namin dito yung mga modules na gagamitin nila sa alternative learning classes,” ani Sec. Luistro.

Ang ibang computers ay ipapagamit naman ng DepEd sa kanilang disaster teams.

Samantala, sinisikap na rin ng BOC na matapos ang bidding ng iba pang seized items, subalit aminado ang kawanihan na may problema sila sa inventory ng mga nakumpiskang produkto.

Ani Sevilla, “Hindi ganoon ka-organized ang information sa bureau about kung anu ano ang seized goods na nasa ports. Kulang kami sa tao; prioritized ang collection… ang priority na i-auction mga perishable goods tulad ng bawang at bigas.”

Ang resulta, tambak ang mga seized goods sa pantalan.

Sisikapin ng BOC na magkaroon ng pagbabago sa sistema sa natitirang panahon ng administrasyon ngunit hindi tiyak na masusulosyunan ang buong problema.

“Warehouse 159, isa na siyang malaking tambakan. Yung record keeping ng mga ipinasok na seized goods doon, manual lahat, nagkalipat-lipat na ang mga tao so wala nang maayos na inventory. Ngayon, everyday may na-se-seized na goods like ngayong may port congestion, priority namin na ibenta na kaagad yung mga na-se-seized na goods saka na yung mga nakatambak diyan, nakatambak na yan eh, malaki pa yung trabaho na kailangan gawin…”, paliwanag pa ni Bureau of Customs Commissioner John Sevilla. (VICTOR  COSARE / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481