MANILA, Philippines – Ang services sector ang isa sa may malaking naiambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa second quarter taon.
Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ang Pilipinas at Malaysia ang dalawang bansang may pinakamabilis na pagtaas ng antas sa economic growth sa Timog Silangang Asya.
Sa ikalawang quarter ng 2014, umakyat sa 6.4% ang naitalang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Bagaman mas mababa ito sa GDP growth sa kaparehong quarter noong 2013, mas mataas naman ito sa 5.6 % GDP growth ng 2014 first quarter.
Ayon kay NEDA Director General Sec. Arsenio Balisacan, sa ulat na ito ay masasabing papataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa o may higher trajectory of economic growth.
Indikasyon umano ito na maaabot ng bansa ang target nitong 6.5% hanggang 7.5% economic growth rate para sa taong 2014.
“Shows that the economy has trajectory growth registered in 2012-2013 and both swell for the economic growth of 2014,” anang opisyal.
Dagdag pa ni Balisacan, nakatulong sa paglago ng ekonomiya ang net exports ng mga manufactured product sa labas ng bansa na pumalo sa 4.2%.
Nakatulong din sa paglago ang household consumption expenditure na may 3.6% at ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Ang ibang sektor ay may bahagi rin sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa maliban sa public construction sector.
Sa 2nd quarter ng taong ito, 0.0% ang kontribusyon nito sa paglago ng ekonomiya ng government consumption expenditure.
Halimbawa nito ay ang pagbaba sa paggastos ng pagpapatayo ng mga public infrastructure.
Paliwanag ni Balisacan, “The slow down in the disbursements in personal services and operating and other operating expenditures in the mooe, lead to the kneel growth of the government consumption.” (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)