ONTARIO, Canada — Saan mang dako ng mundo, makikita na ang paboritong pampalamig ng mga Pilipino kung summer, ang “halo-halo”.
Ang halo-halo, na sinasabing inin-troduce sa atin ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinaghalong mongo, garbanzos at kidney beans lamang ngunit pagdating ng mid-19th century, nagsimula na itong lagyan ng yelo na nagmumula pa sa Amerika. Sa paglipas ng panahon, nagawang mapasarap ng mga Pilipino ang ating halo-halo.
Kaya naman, isang festival ang isinagawa ng Filipino community sa Canada upang muling matikman ng mga Pilipino ang ating paboritong pagkaing pampalamig.
“Hi, ako po si Maria Guiao. One of the board member, organizer ng successful event. How I wish everyone is here our cultural heritage with more than 7,107 islands in the Philippines,” ani Maria Guiao, organizer ng Halo-halo Festival.
“The halo-halo festival is to promote our cultural heritage. Halo-halo tayo so iba’t ibang — shall I say, iba’t iba ang ating paniniwala, iba’t iba ang ating kultura pero iisa ang ating lahi, celebration of our Philippine heritage. Proud of being Filipino,” dagdag nito.
Ang kauna-unahang Halo-halo Festival ay dinagsa ng ating mga kababayang Pilipino mula sa iba’t ibang dako ng Ontario, Canada.
Ayon sa ating nakapanayam na kababayan. malaki ang kaibahan ng halo-halo dito sa Canada at sa Pilipinas.
“Pareho ang lasa pero mas masarap kung sa Pilipinas kainin. Like, you remember ‘yong halo-halo na paborito mo doon. And you miss that you hope na meron dito na ganon din,” saad ni Fe Taduran na isang Pilipinong nakatira sa Ontario. “Walang pinipig, meron siyang langka, walang saging.”
Maging ang mga banyaga, nagustuhan ang lasa at iba’t ibang variation ng halo-halo.
“Very very good, very tasty,” komento ni John Buccioni.
Kabilang sa mga nakiisa sa event na ito ang kauna-unahang filipino senator dito sa Canada na si Tobias Enverga Jr., Consul General Junever Mahilum-West, mga Filipino-Canadian business groups at iba’t ibang organisasyon.
Nakisaya rin sina MP & Minister of Finance Joe Oliver at Mayoral Candidate Olivia Chow .
Bukod sa halo-halo, ibinebenta rin ang mga mga kakainin at saring-saring ulam at ang patok nating pandesal.
“Sumusuporta lang kami sa Halo-halo Festival today, and we are selling tubig at sa libreng pan de sal,” pahayag nila Glory Marasigan at Julie Tanafranca na kapwa fundraiser sa Halo-halo Festival.
Nagkaroon din ng paligsahan sa on the spot painting at isa sa mga nagwagi ay ang 21-year old na kababayan natin na si Katrina Manigbas. (Macelle Delgado, UNTV News)