Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dalawang importer ng bakal mula sa China, kinasuhan ng smuggling sa DOJ

$
0
0
Mga kinasuhan ng Bureau of Customs dahil sa smuggling (UNTV News)

Mga kinasuhan ng Bureau of Customs dahil sa smuggling (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sinampahan ng smuggling complaints ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang negosyante dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento upang makapagpuslit ng imported na bakal mula sa China.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Tariff and Customs Code, Revised Penal Code at Product Standards Law ang mga importer na sina Tessie Ligon, may-ari ng Archer Blaze Marketing sa Pulilan, Bulacan at Renato Supan Miranda, may-ari ng Echo Titam Marketing Resources.

Kasama rin sa inireklamo ang customs broker ng dalawa.

Ayon kay Customs Commissioner John Sevilla, bukod sa walang import commodity clearance ang dalawang negosyante, gumamit din ang mga ito ng pekeng permit mula sa DTI-Bureau of Product Standards upang makapag-import ng bakal.

Aabot sa mahigit P45-million ang smuggled na bakal galing China na tinangkang ipuslit sa port of Manila nitong nakaraang Hunyo at Abril. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481