Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Suspek sa pagpatay sa isang junior police officer sa Fairview QC, nadakip na ng QCPD

$
0
0

Nadakip na ng Quezon City Police ang apat na suspek sa pagpapatay kay Police Inspector Roderick Medrano sa Fairview, QC noong Lunes (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Tatlong araw makalipas na paslangin si Quezon City Police District (QCPD) Station 4 Chief for Operations P/CInsp. Roderick Medrano sa Zabarte, Fairview, Quezon City, nahuli ng binuong Special Investigating Task Group Medrano ang apat na suspek sa Commonwealth Market kaninang madaling araw.

Ayon kay NCRPO Chief P/Dir. Carmelo Valmoria, nakuha sa mga ito ang 3 kalibre ng 45 baril, 1 m30 carbine, 1 kalibre 38, 1 granada, 4 na cellular phones, handheld radio at puting Toyota FX na walang plaka na nakitang nakaparada sa loob ng palengke sa Commonwealth.

Aniya, “we believe that these suspects are also involved in the killings, other killings here in Quezon City.”

Kasama rin sa na-recover ng mga otoridad ang isang motorsiklo na ginamit na getaway vehicle habang nasa QCPD na rin ang sasakyan ni Medrano na tadtad ng tama ng bala ng baril sa bintana at pintuan nito.

Sinabi rin ni QCPD Director P/CSupt. Richard Albano  na ang apat na suspek ay nakilalang sina: Clemente Bersoza na siyang gunman, Larry Consolacion, Joean Marco, Rodener Necesito na pawang mga  gun for hire.

“Murder do’n sa mga nahuli natin plus ung illegal possession of firearms at explosives tapos yung may standing warrant sa kanila,” ani Albano.

Nauna nang bumuo ng Special Investigating Task Force ang QCPD na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Medrano.

Ito ay pinamumunuan ni Deputy District Director for Operations P/SSupt. Procopio Lipana.

“Meron tayong nakikitang motibo pero work related. Meron ding personal at malalaman natin kung saan d’on sa dalawa o parehas pagkatapos ng susunod nating follow ups, kung sino ung nag-utos,” saad ni Albano.

Noong Lunes ng umaga, tinambangan si Medrano habang nagmamaneho ng kanyang Honda city sa nasabing lugar na siya nitong ikinamatay.

21 basyo ng bala ng 9mm ang nakuha ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen. (Lea Ylagan, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481