Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dating opisyal ng Makati City, isiniwalat sa senado ang umano’y mga anomalya sa konstruksyon ng Makati City Hall II parking building

$
0
0

(Right) Si Engr. Mario Hechanova, dating department head ng General Services Department ng lokal na pamahalaan ng Makati (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Subcommittee sa umano’y overpriced Makati City Hall II parking building ngayong araw, isang bagong testigo ang humarap sa pagdinig at nagbunyag ng umano’y anomalya sa bidding ng kontrobersyal na gusali.

Mismong ang testigong si Engr. Mario Hechanova, dating department head ng General Services Department ng lokal na pamahalaan ng Makati, ang lumapit sa komite dala ang mga dokumento upang isiwalat ang umano’y anomalya.

Sen. Trillanes: May anomalyang nangyari?

Hechanova: Meron po Senator, bago binuild ang project, tinawag ng engineer may kailangangmanalo… Ang Hilmarc’s Constr. Si Engr. Morales Alterego ng mayor. Pag sya nag-utos, si mayor nag-utos.

Sen. Trillanes: Sinong mayor?

Hechanova: Si VP Binay.

Salaysay ng testigo, utos noon ng dating city engineer na si Engr. Nelson Morales, na kilalang “alter ego” ni dating Makati City mayor at ngayo’y Vice President Jejomar Binay, na ang Hilmarc’s Construction Corporation aniya ang dapat manalo sa bidding.

Ang Hilmarc’s ang contractor sa five-phase construction ng parking building, na nakumpleto noong 2013.

Aniya, scripted ang buong proseso ng bidding.

Bukod dito, kailangan rin aniyang siguruhing mas mahal ang alok na presyo ng mga kalabang bidder at hindi ito makasipot sa bidding.

“Kailangan di manalo ang nagbigay ng bidding docs. Ginawa namin, kinulong sa elevator hanggang sa malate sa pagpasa ng bidding documents.”

Inamin rin ni Hechanova na nakatanggap ito ng dalawang daang libong pisong allowance kada buwan mula kay Vice President Binay upang lutuin ang bidding.

T: kumita ka ba sa transaksyong ito?

H: Ni sinco wala po Senator. May natatanggap lang po kaming allowance mula kay mayor buwan-buwan, P200,000.

T: Para saan ang allowance na ito?

H: Para gawin lang namin ang dapat naming gawin, ayusin lahat ng bidding.

T: Meaning lutuin?

H: Opo.

Dagdag ni Hechanova, hindi lamang sa Makati City Hall II parking building may nangyaring anomalya sa bidding, kundi maging sa iba pang mga proyekto ng Makati City government.

Dahil sa testimonya, isinulong ni Sen. Antonio Trillanes IV, ang siyang naghain ng resolusyon na imbestigahan ang building, na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) si Hechanova. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes