Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

FDA, may babala vs mga ospital na maniningil ng higit kaysa COVID-19 drug price cap

$
0
0

MANILA, Philippines – Binalaan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang mga ospital na maniningil ng higit kaysa itinakdang price cap para sa mga gamot na ginagamit para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa panayam sa programang Get it straight with Daniel Razon, sinabi ni FDA director general Eric Domingo na maaaring patawan ng parusang pagkakakulong at suspension ng lisensiya ang mga ospital gayundin ang mga botika na nagbebenta ng COVID-19 drugs na mas mahal kumpara sa price ceiling.

Ginawa ng FDA ang babala kasunod ng mga ulat ng overpricing sa mga gamot na ginagamit sa treatment ng COVID-19 patients tulad ng Remdesivir at Tocilizumab .

“Pag ospital po, kwestyonable ang presyo, at least yung quality sigurado tayo dahil yung ospital hindi naman yan bibili, bawal po silang bumili sa unlicensed distributor. Pero mayroon silang pananagutan dahil lumalagpas po sila sa retail price na pinapayagan po ng DOH,” ang paliwanag ni Domingo.

Alinsunod sa kautusan ng DOH, nasa P8,000 hanggang P28,000 ang suggested retail price ng Tocilizumab na ginagamit sa treatment ng critical hanggang severe COVID cases.

Nasa P1,500 hanggang P8,200 ang retail price ng bawat 100 milligram vial ng Remdesivir.

Samantala, kaugnay naman ng pagkakaloob ng compassionate special permit o CSP sa COVID-19 drugs, inihayag ni Domingo na halos lahat ng ospital sa bansa ay may special permit na para sa isa o dalawang gamot kontra COVID-19.

Dagdag pa nito, hindi masyadong istrikto ang FDA sa pagbibigay ng CSP basta lisensyado ang ospital at mga doktor na gagamit ng gamot para sa COVID-19 patients.

“Actually lahat ng ospital ngayon sa Pilipinas, may special permit na sila for one drug or another, para sa ating COVID dahil talagang puno ng COVID-19 cases. At tayo naman po, hindi tayo very strict,” ani Domingo.

Ayon sa FDA, nade-desisyunan naman agad sa loob ng 24 hanggang 48 oras ang aplikasyon para sa CSP ng isang ospital. Maaari ding mag-apply in advance ng CSP ang mga ospital para sa COVID-19 patients nito sa pamamagitan ng email address na odg@fda.gov.ph.

Kaugnay naman ng investigational drug na Leronlimab, sinabi ni Domingo na wala pang price ceiling na itinakda ang pamahalaan dito dahil kakaunti lamang ang nanghihingi ng special permit para sa suplay ng gamot na ito. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

The post FDA, may babala vs mga ospital na maniningil ng higit kaysa COVID-19 drug price cap appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481