Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

JPE at Napoles, naghain ng ‘not guilty plea’ sa kasong graft kaugnay ng PDAF Scam

$
0
0

(Left-Right) Janeth Lim Napoles and Sen. Juan Ponce Enrile (UNTV News)

QUEZON, Philippines — Pare-parehong nahaharap sa 15 counts of graft sina Sen. Enrile, ang resigned staff nito na si Atty. Reyes at maging si Napoles.

Bago umpisahan ang arraignment nitong Biyernes, pinaupo muna ni Justice Samuel Martires ang tatlong akusado dahil sa kanilang mga medical condition.

Isa-isang binasa ng 3rd Division Clerk of Court ang impormasyon ng bawat count ng graft charges at kapwa nagpasok ng not guilty plea sina Enrile at Napoles samantalang tumanggi naman si Reyes na magpasok ng kaniyang plea sa bawat count.

Ayon sa isa sa mga abugado ni Sen. Enrile, hindi kwestyonable ang impormasyong isinumite ng Ombudsman kaugnay ng graft charges bagaman matatandaang tumanggi naman si Sen. Enrile na maghain ng kaniyang plea sa kasong plunder.

Ani Atty. Eleazar Reyes, “Sen. Enrile questioned the information, that’s why he did not enter a plea. Whereas here, he didn’t question the information, so he entered a plea of not guilt…”

Samantala, si Reyes naman ay naninindigan pa rin na walang hurisdiksyon ang korte sa mga kasong isinampa ng Ombudsman laban sa kaniya.

Atty. Anacleto Diaz, “We have been deprived of due process of the Ombudsman, hanggang ngayon, yung sworn statement na pinagbasehan na probable cause, hanggang ngayon wala kaming kopya, despite submitted requests.”

Awtomatiko namang not guilty plea ang ipinasok ng korte para sa kaniya.

Dahil sa kasama ring binasahan ng sakdal ang ilang empleyado at opisyal na mga sangkot sa PDAF scam gaya sa Department of Budget and Management, ganun din ang tatlong implementing agencies na dawit sa PDAF scam, inabot ng halos dalawa’t kalahating oras ang arraignment.

Inatasan naman ng korte ang prosecution at defense panels na magsagawa ng kanilang pag-uusap tungkol sa mga ipipresentang mga ebidensya o preliminary conference bago mag-umpisa ang mga pagdinig sa loob ng dalawangpung araw na gagawin tuwing araw ng Huwebes.

Mag-uumpisa ang preliminary conference sa October 20, 2014.

Inirekomenda rin ng korte na pagmumultahin ng hanggang 5 libong piso ang sinumang partido na magpo-postpone ng nasabing conference.  (ROSALIE COZ, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481