Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dagdag operational capacity, hirit ng ilang restaurant owners sa Metro Manila

$
0
0

MANILA, Philippines – Nananawagan ang ilang may-ari ng restaurants sa Metro Manila na taasan pa ang antas ng pinapayagang operational capacity upang makabawi naman sila mula sa matinding pagkalugi.

Ayon kay Eric Teng, ang pinuno ng Restaurant Owners of the Philippines, kakaunti lang ang maaari nilang i-accommodate na customers bagaman pinahihintulutan ang dine-in services sa ilalim ng alert level system sa Metro Manila.

“Yung situation po kase namin ngayon yung alert level 4 is 10 percent lang po ang indoor. Natutuwa na po kami kung pwede na pong maiakyat sa 30% sa alert level 3,” ani Teng.

Aniya, bakunado na ang kanilang mga empleyado kontra COVID-19 kaya kung maaari ay mapayagan na ang mga restaurant na tumanggap ng mas maraming customer.

Nais rin ng ilang business owners na maipatupad ang pag-prisinta ng vaccination cards bilang isa sa mga requirements para sa dine-in services.

“Sa situation na pagka 30 percent na wala na pong restriction yun whether vaccinated or not kaya inaabangan po talaga namin yun,” ang pahayag ni Teng.

“Marami pong nagagalit dahil hindi po dala yung vaccine card. Ang gusto po sana namin i-enforce po sana yung instructions sa amin na kailangang humingi ng vaccine card,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Teng na nauunawaan nila ang sitwasyon sa usaping pangkalusugan subalit nahihirapan na rin ang kanilang mga empleyado lalo’t wala naman silang ayudang natatanggap.

Una nang sinabi ng Department of Trade and Industry na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na dagdagan pa ang allowed capacity sa mga kainan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

The post Dagdag operational capacity, hirit ng ilang restaurant owners sa Metro Manila appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481