MANILA, Philippines – Isinailalim kahapon, Lunes, ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert status ang ilang lugar sa Luzon.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito ay dahil sa power supply deficiency sa mga planta.
Kasama sa mga nakaranas ng rotating brownouts ang Sampaloc at Tondo sa Maynila; Caloocan; Valenzuela; Malabon; Novaliches, at Malolos, Calumpit, Maycauayan at Sta. Maria sa Bulacan.
Tumagal ng dalawang oras ang rotating brownout na nagsimula ng ala una hanggang alas tres ng hapon.
“Outage of Calaca 2 at GN 2, Malampaya gas restriction, the Iligan* plant is limited to 600 megawatts, San Lorenzo changeover from nat-gas to liquid fuel, San Lorenzo will change subsequently,” pahayag ni Zaldarriaga. (UNTV News)